So there's this guy na reason kung bakit medyo badtrip ako ngayong mga nakaraang araw. It started when Ate Alma (kasama ko sa clinic) gave my number to her friend. She said guy is mabait and all so it's all good and all he's after is friendship. I'm not the type na nakikipag 'textmates' to anyone. But since friend naman sya ng kakilala ko, I agreed. After all, there's no harm in gaining another friend, right?
He started sending me messages 4 days ago. I actually didn't reply to his first message kasi nga naman number lang ang lumabas sa cellphone ko. And again, I'm not the type to reply to those I don't know unless magpakilala ka. Nakaramdam siguro sya and nagpakilala na sya sa next message niya. And the usual nice me replied sorry for not replying earlier kasi di ko nga alam na sya yung friend ni ate. So there, we started the exchange of messages.
He's lucky I'm on all-text-to-all-networks promo (kailangan kasi sa work, palaging may kailangan itext) kaya I get to reply to him. Napansin ko pa lang noon na he's really consistent sa pagtetext. Talagang, hello? Wala ka bang ibang buhay? Cellphone lang? Pati sa pagkain, every single time, walang palya, ireremind nya ko na time to eat na. I'm like, ok that's so nice of you nung simula. Pero nung araw araw na lang na may ganun, parang over naman na.
He asks question na din na when I answer, he'll be like 'pareho pala tayo.' Tapos lagi nyang sinasabi na ang cool ko daw. Iba daw ako. May sense daw ako kausap. Naglo-load lang daw sya kapag may katext sya na importante. I told him na tamad ako magtext, nagloload lang ako kasi kailangan sa work. So he's like, di din daw sya madalas magload sh*t. Nagquestion na din sya about my lovelife, that's like what? Second or third day pa lang na magkatext kami?
Dumaan pa sya ng clinic, I think 2nd day pa lang yun na magkatext kami. Ok, the first time is excused, kasi andun si Ate Alma. He can reason out na dinadalaw nya ang friend nya. Pero after he saw me that time, he keeps telling me he's happy he gets to see me finally in person [because he added me on Facebook]. He told me pa na inaasar daw sya ng kapatid nya nung nag-FB sya na 'ang tagal mo na yan tinitignan ah!'. Then my load expired that afternoon, I told him from the very beginning na ayoko na lo-load-an nya ako. Ayoko ng feeling na I'm obliged to reply to him kasi kaya sya yung nagload sa'kin. Pero waepek, niload-an pa rin ako.
Yesterday, Sunday, isa lang ang nakaduty sa clinic, and ako yun. Half day lang kapag Sunday. And since maaga naman nagko-close, I planned to go to Market Market, I need to deposit. Mall lang ang may open na bank on weekends. Medyo ok ok pa ko nung time na yun sa kanya. Naguguilty kasi ako na di ko sya narereply-an. I feel like, sinimulan ko 'to eh, kailangan i-maintain. So kahit papaano nagsabi naman ako na di ko na sya matetext kasi expired na naman ang load ko at uuwi na ko pero baka dumaan nga ako ng mall at magdedeposit at kakain na rin kasi di pa ko naglunch. So I thought, ok na yun, tipong 'til next exchange of texts ulit. Aba naman! Gustong load-an na naman uli ako at magkita daw kami sa mall. Nagsimula na talaga akong mainis ng time na yun. Sabi ko magagalit ako kapag ni-loadan nya uli ako at hindi ako magtatagal sa mall, which is true nga naman kasi gusto ko na rin magpahinga.
And then kanina na naman, the usual texts nya about eating time at ang malalala, dumaan na naman sa clinic! That's around 6PM, then nagtext sya na he's outside and nakikita daw nya ako. NAPADAAN lang daw sya. I didn't reply. Around 7:30, patapos na kami ni Dra na magbalot ng soaps so naiwan ako ni Dra sa table then he appeared outside waving at me. I was shocked coz I thought napadaan lang sya and it's been half and a hour ago and he's still there. I dunno how to react, I don't wanna shoo him away, ang sama ko naman non pero mali pa rin ang naging reaction ko, nag-smile ako sa kanya. Akala tuloy nya everything's still ok. After that he texted na pauwi na rin daw sya, iintayin nya na lang daw ako sa labas at sabay na kami umuwi. I'm like, what the hell?! I replied, 'no. please. tnx.' That flat. Coz I really don't want to!
On my way home, I texted Ate Alma (coz apparently, Saturday was her last day sa clinic), I told her to tell her friend to stop texting me. It's almost annoying because I haven't had messages like that for years already and I've grown, it's not my thing anymore. I also told her na assuming na ko kung assuming pero feeling ko 'more than friends' ang habol nya. I just don't think new friends will do some of those things he has done without other intentions. I bet yung pagyaya niya na sabay umuwi ay mauuwi sa paghatid sa bahay.
I think Ate Alma forwarded the message to him coz he texted me few minutes after saying sorry for being makulit and that HINDI nya intention ang maging MORE THAN FRIENDS, hanggang FRIENDS lang daw talaga. Okaaayyy ako na assuming!!!
Good night.
P.S. Thank you kay Ate sa kabilang tindahan kasi pinahiram nya ako ng pamasahe. 1k na buo pala yung natira kong pera. Buti na lang may mga mababait na nilalang. :D
Ranting,
Thel