Pages

May 15, 2008

i hate myself in times like this.

it slapped me a few times yet i still do it. kung bakit kasi napa-skeptic ko. kung bakit kasi kailangan ko pang patunayan sa sarili ko na magaling akong stalker. ayan. ayan ang napapala.

muli. kahit anong pilit mo pang itanong sa'kin WTH am i talking about in here, asa ka pang magsasalita ako. :p

mawawala rin naman 'to. ngayon nagtatampo ako, bukas hindi na. ngayon may selos ako, bukas wala na. ngayon may duda ako, bukas buong tiwala na uli. magaling ka nga kasi. ewan ko ba kung pa'no mo 'yon nagagawa. na kahit on the verge of falling down na, bigla na lang magshi-shift ng mood. mapapatawa mo na 'ko, mawawala na lahat ng anxiety involving you. erased na lahat.

pero minsan sana ma-settle siya in a fashion na 'napag-usapan kaya naayos'. hindi yung 'nakalimutan na lang kaya hindi na nagkatampuhan'. kasi baka mag-pile-up. ang consequence bigla na lang magbu-burst.

pero BINABAWI ko na pala. hindi ko nga pala kaya makipag-usap. at hindi ko nga pala sasabihin kung tungkol saan 'to.

medyo imaginative kasi masyado utak ko pagdating sa ilang bagay. isang hint pa lang, may sequence na 'kong nakikita. kadalasan mali, kasi exagg naman mga naiisip ko. pero minsan tumatama. at 'pag tumama, it hits hard.

No comments:

Post a Comment