April 15, 2009

Version

Ang street namin nagsasariling version ng Earth Hour. Nung isang gabi, mga aala-una na ng madaling araw, mage-edit sana kong pictures ng biglang BOOM BROWN OUT! Hello? Alam niyo ba kung gaano kainit ang panahon ngayon? OO, kahit gabi walang patawad ang init.

Pero siguro mas OK na yun kaysa naman magkasunog. May umuusok na daw kasi na kable ng kuryente sa kalapit na mga bahay [di na daw ata kinaya, nag-overload dahil siguro sa dami ng mga nakasaksak na fan or aircon] kaya ayon, pinatay muna nila para maayos. 30 minutes din kaming nagtiis non. Kahit tulog, nagigising at napapabangon kasi ramdam talaga ang init.

Kahapon naman maliligo na sana 'ko. Pero ayos, ni-replay yung Game 1 ng Finals ng UAAP Women's Volleyball. Kahit napanood ko na, pinanood ko pa ulit kasi yun lang ang napanalo ng Piyu sa best of 3 finals. Pero again, nag-Earth Hour na naman; 2nd set na sana 'non nawalan na naman ng kuryente! Bumalik ang power patapos na ang 4th set (kung sa'n na-injured si Idol!).

Hanggang kanina namamatay matay pa rin ang kuryente (take note: sa street lang talaga namin!). 2 beses ata un nangyari ngayong araw. Buti di naman ganon katatagal.


OFF-TOPIC:

Yey! I'm now a member of Demonoid. It's not some hellish thing as you may think. HEHE. This is a provider of torrents, let's say mga unique torrents. Well, thanks to Peca. Not all have the privelege to be a member kasi, limited lang ang ina-allow ng site kasi nga yung torrents they provide are the rare types. Minsan kapag natsambahan mong open ang registration nila [which is I think twice a month lang nila ginagawa], swerte mo at makakagawa ka ng account [which was the case for my friend Peca]. Yung akin was an invitation code lang from Peca kaya nakapag-sign-up ako. But members have also limited chances of giving invitation codes.

But after the long rant, it all boils down to: I'M A MEMBER NOW, ok? HAHA. :)

No comments:

Post a Comment