October 14, 2008

One of my very First Online Poems

"Teenage Blues.."
11_02_06 // 11:32 pm

maraming nais maging, ngunit hindi maaari..
maraming nais gawin, ngunit hindi makayanan..
anumang pwersang pumipigil,
batid man o lingid..
isang bagay lang ang hiling..
na kahit ngayon man lamang,
ako sana’y palayain..
panaho’y lumipas, ‘di ko nagustuhan..
dahil aking nais ay hindi siyang aking gawi..
"sumunod" - yan ang tanging alam ko..
‘di man lamang makapili, ‘di man lamang hintulutan..
ngunit bakit ngayong may nasilip na onting laya..
saka naruwag na subukan mga bagay?
bagay na matagal na inasam, mga bagay na ikasisiya..
sadyang ‘di mapaliwanag kung anong nadarama..
karuwagang pinamalas, san nagmula?

No comments:

Post a Comment