Pages

September 14, 2009

Napukaw.

Hindi ako makaramdam ng antok. Bigla kasing dumami yung iniisip ko matapos kong mag-Facebook.

Ano bang problema mo sa'kin? Bakit puro pahapyaw ka lang? Minsan na nga lang ako magkalakas ng loob na kahit ngatog na ngatog na 'ko mag-type para mag-comment sa status mo, nagcomment pa rin ako... pero yun pala ay para lang malaman na hanggang ngayon ako pa rin ang natatangging tao na hindi mo nire-replyan.

Bakit? Baka iniisip mo na 'pag nagreply ka, umasa na naman ako. Ang totoo kasi, kahit ano pa gawin mo, UMAASA pa rin ako. Teka lang ha?! Bigyan mo lang ako ng panahon, titigil din ako sa pag-asa. Hindi ko kasi ganun kadali maitapon ang ilan ding taon. Tingin ko naman, hindi ko ipinapakita ang pag-asa na 'yon. Hindi na kita ginugulo / kinukulit pa. Inaantay ko na nga lang minsan na sana may kailanganin ka para maka-usap naman kita. Malakas din kasi ako makiramdam; alam ko kung ayaw ako ng isang tao na umaaligid sa kanya, kaya nga hanggang ngayon 'iwasan' pa rin ang laro ko. Kung kailan ako titigil, hindi ko 'rin alam.

Isang bagay pa. Hindi ba't ikaw naman ang humingi ng pagkakaibigan (friendship)? Sana hindi mo na lang hiningi... kung ganito mo pala tratuhin ang kaibigan mo. Hindi ko magawang magalit o kamuhian ka. Hindi ko alam kung bakit. At naiinis ako dahil dun.

Kung magbabago ka ng pakikitungo dahil siguro nabasa mo 'to, patawad pero sa tingin ko huli na. Aangkinin ko na lang ang mga susunod na pagkakataong masasaktan ako; sa parehong paraan na itatago ko na lang ang natitirang damdamin para sa'yo.

No comments:

Post a Comment