Here's some trivia from the band members themselves - Chito, Vinch, Buwi, Dar, Dindin, & Gab of Parokya ni Edgar. Got this from their Facebook fan page. I enjoyed reading all of them!
For me, it takes a good story teller to be one great song writer. That's one quality this band has that made me like them more.
I think all trivia I picked out and post here are shared by Chito Miranda. Go like their page and read more trivia and stories! It's fun, I promise. :)
HALAGA
Sinulat ko yung "Halaga" para sa room mate ng gf ko nung time na yun. Nakaka-awa kasi yung room mate nya (at medyo nakaka-inis kasi ang tigas ng ulo) kasi sobrang sama ng bf nya at lagi nalang syang umiiyak...pero di naman nya maiwan.And i wanted her to realize that she was worth more than that....that is why i wrote her that song.
YOUR SONG
Dati may sinulat si Gab na kanta para sa asawa nya. Nung una, nagdadalawang isip pa kami isama sa album kasi parang "mushy" masyado. Pero nung nirecord na ni Gab, sobrang nagandahan kami lahat!!! Siningit namin yung kanta sa album as a bonus track (kaya wala syang official title) and became one of Parokya's most popular songs... Sabi ni Gab, ang title daw nung kanta ay "Your Song".
GISING NA
Unang lumabas yung "Gising Na" sa Xmas album namin na "Jingle Balls Silent Night Holy Cow" (gitara at vocals lang...) It was again released on our 4th album "Gulong itlog Gulong" na may kasama nang keyboards...(pero mastrip ko talaga yung orig version) I wrote it for my 1st gf who was a med student nung time na yun. Pero nung una, hindi talaga "Gising Na" yung kanta...Being in med school, laging puyat yung gf ko kaka-aral, at awang-awa talaga ako sa kanya kasi sobrang kulang sya palagi sa tulog... The 1st line i wrote was "tulog na...ipikit ang iyong mata, tulog na" I liked how the song started, but i wasn't in love with it... I stopped and went towards the opposite direction. "gising na...buksan ang 'yong mga mata, gising na"Natapos ko agad yung kanta and fell in love with it!
My favorite line was "nagsama ang ginaw, at ang lambing ng araw", which was a familiar feeling para sakin tuwing simbang gabi kapag sumisikat na ang araw (remember, this song was written while we were writing songs for our Xmas album and i wanted to use that line sa kantang "Simbang Gabi" pero di ko masingit...so i included it in this one)My 1st gf is a doctor now. She's happily married and is currently based sa US. Anyway, yun po yung kwento ng "Gising Na" Sana natripan nyo... :)
SORRY NA
Dati, nag-away kami ng 1st gf ko (yung med student) tapos muntik na kami mag-break kasi minsan, kung anu-ano nasasabi ko kapag mainit ang ulo ko. :( I thrive on my ability to express myself during the peak of my emotional outburts, but it does get me into trouble sometimes... Sa sobrang guilty ko, napasulat ako bigla ng kanta para sa kanya...
Dati may kabarkada akong babae sa UP Diliman. Pangalang nya "Michelle" Hindi naman sya maganda...cute lang. Anyway, tropa lang talaga kami at araw araw kaming magkasama...pero everyday na nakakasama ko sya, parang napansin ko na dahan dahan akong nadedevelop... Since kabarkada ko naman si Michelle, and since close talaga kami, kaya ko syang biruin at daanin sa mga pa-cute na hirit na may gusto ako kunyari sa kanya... palagi ko syang tinutukso sa akin. Hehe! Tatawa lang kami at ng mga kabarkada namin...Di nila alam na may gusto pala talaga ako sa kanya. Since parang joke lang palagi yung mga hirit ko, nahirapan akong aminin na siryoso ako... I really wanted to tell her. Pero ang hirap humanap ng timing....at sa isang torpeng katulad ko, NEVER dumadating ang tamang timing.
Hanggang nakita ko nalang si Michelle na may ka-holding hands mula sa kabilang section. patay. Para akong sinuntok sa dibdib. Bakit wala akong ginawa?! Na-isip ko "kelangan ko ipa-alam ang tunay kong nararamdaman"I wrote her a letter. I told her everything...na matagal na akong may gusto sa kanya. Napa-i love you ako ng di oras sa letter ko sa kanya. Nilagay ko yung sulat sa bag nya. Kina-usap ako ni Michelle after nya mabasa yung sulat ko. Tinanong nya ko kung siryoso ba talaga ako sa mga pinagsasabi ko sa letter. Sabi ko oo. Di sya naniniwala. Kasi kung totoo daw yun, i would've done something about it. Feeling nya tuloy ginagago ko lang sya at parang di nalang nya pinansin yung mga sinabi ko sa sulat.
Mula noon, hindi na kami tulad ng dati...Lumipas na ang panahon at may asawa na si Michelle, and we've remained good friends hanggang ngayon. Pinagtatawanan nalang namin ngayon yung mga nangyari nung college pa kami. At proud naman sya na may dalawa akong nagawang kanta para sa kanya.
TATLONG ARAW
9yrs yung 1st serious relationship ko. Pero bago mangyari yun, may naging gf ako, pero not counted. (malalaman nyo kung bakit...)
itago nalang natin sya sa pangalang "Grace". Kapitbahay namin sila Grace, at matagal ko na syang kaibigan...Kuya Chito ang tawag sakin ni Grace... (kahit pareho naman kaming 3rd yr hs at kahit alam naman nyang patay na patay ako sa kanya). At kahit alam nya may gusto ako sa kanya, magkasundo talaga kami bilang magkaibigan at halos araw araw kaming magkasama...pero never kami naging sweet.
Ngunit isang araw, nagbago bigla.April 1, 1993. Sumama ako sa kanila ng sister nya mag-bisita iglesia...boyfriend ng ate nya yung nag-drive tapos dun kami ni Grace sa likod. We suddenly found ourselves holding hands. This never happened before. And by the time na matapos namin bisitahin yung ika-pitong simbahan, sobrang sweet na namin ni Grace. Sobrang saya ko nun!!!
Kada simbahan na bisitahin namin, nag-uumapaw na pasasalamat yung nilalaman ng bawat dasal ko...Tenkyu Lord!!! Kulang nalang mag-cartwheel ako pabalik ng kotse sa sobrang kilig. Pag-uwi namin, tinanong ko sya "tayo na ba?" (i was only 17...totoy pa ko nun...hayaan nyo na!) Sumagot sya, "subukan natin..."The following day, tumawag ako sa kanila. Umalis daw si Grace kasama ng pamilya nya... (land line lang kasi meron nung time na yun kaya ang hirap!) Tumawag ulit ako after dinner...wala pa rin sila. Nahiya na ko tumawag after that kasi late na... (napaka-hirap ng land line!)
April 3, 1993, tumawag ako at naka-usap ko si Grace.She was bubbly as usual....and it felt weird. Weird because everything was normal...as if nothing happened. Nakipag-kwentuhan sya the way she always did. And she was as natural as how she had always been. And it felt so strange and awkward because it felt as if i was waiting for something.
i had to ask...and so i did.I asked, "tayo na ba talaga?"
Sumagot sya, "...ha?"
"Diba sabi mo susubukan natin?" sabi ko...
Sumagot sya, "diba April fools' day nun?...siniryoso mo ba?"
Sabi ko "oo."
Sabi nya, "Ano ka ba?!"
I felt my chest cave in...kaya sya "not counted".
April 1, April fools' day...hence the line "araw ng kalokohan"
...ganda ng kwento ng sana at maniwala ka sana...hehehe:)
ReplyDeletemore...
ReplyDeleteManiwala ka sana & sayang <3
ReplyDeletewhat about yung harana ?
ReplyDelete