December 2, 2008

Yeah.

Rollback. Wuhoo! Tulad ng madalas kong sinasabi, hindi na 'ko nahihilig manood ng TV pwera na lang kung wala talagang ibang magawa. Kaya wala akong alam sa mga bagong balita at dahil do'n kaninang umaga ko lang din nalaman na nagrollback na ang pamasahe. *Yes* Magandang bagay yun para sa'kin (kaninong pasahero ba hindi?). Nag-increase kasi ang baon ko ng mga panahon na nagmahal ang pamasahe, alinsunod sa pagtaas ng gasolina. Hindi naman na siguro iro-rollback ng magulang ko ang baon, nasanay na silang ganun ang ibigay eh. Yeah. *evil smile*
__________________________________________________

Isang bagay pa ang bumaba: timbang ko. Oyeah. Madami na nakakapansin. Magulang ko. Dating yaya ko. Kaibigan ko. Ka-eskwela ko. Hindi ko alam kung ga'no na ba kalaki (o kaliit) ang nabawas sa timbang ko. Hindi na kasi ako nakakapagtimbang ng sarili ko mula ng mawala ang weighing scale dito sa bahay (naiwan ko kasi sa Piyu, ginamit namin nung RetDem sa Physical Assessment). Ang huling timbang ko ata nung nagkaroon kami ng duty sa eskwelahan. Yeah. Nakisingit ako sa weighing scale pagkatapos naming timbangin ang client namin ni Jean na isang Grade 5 (parang hindi naman, mas malaki sya samin e.)

Latest addition sa mga nagsabi na pumayat ako ay si Rose Ann / Ebong (she prefers the second). Nagkita kami kanina. Medyo madalas naman kami nagkikita, pero kanina lang niya sinabi na "Bakit ang payat mo na?". Medyo mahaba kasi ang time kanina. Nakapagkwentuhan ulit kami tungkol kay H---n at O----r. Grabe yun. Yeah.
__________________________________________________

Tumaas at bumaba na ata lahat. Pero parang may isang bagay pa rin na hindi tumataas; bukod sa height ko meron pa. Oo meron pa, maniwala ka't sa hindi. HAHA. Ano yun? Yun ang GRADES ko. (Shet GC!) HAHA. Ok naisingit ko lang naman kasi nakita na namin ang grade namin sa unang concept namin sa NCM, yun ay Pain & Surgery. Ilan? 75. HAHA.

Para sa pananaw ko, hindi makatarungan. :D Ang makatarungan lang magbigay ng ganung grade para sa'kin ay yung alam kong magaling magturo. Dahil kung magaling na s'ya at nakakuha pa rin ako ng mababa sa kanya, alam ko sa'kin na ang problema. Kaso hindi e. Yeah.
__________________________________________________

May ilang bagay akong ayaw alalahanin. Dahil alam kong pag inisip ko pa, baka gumulo. 'Wag na lang...


P.S. Hindi alam dito sa bahay na ako nakawala ng weighing scale namin. Please don't mention. HAHA. :D

No comments:

Post a Comment