September 20, 2009

Rekindled. Blown.

I know I've posted a "hiatus" sign on my blog. But I just really need to pour this all out. I hope this would be the last time I'll be talking about him.
***

Kahapon nagsimba ako mag-isa. Nauna na kasi nong umaga sila mama. Late kasi ako nagising, ayaw bumangon ng katawan ko. Maaga ako para sa 6-7 PM mass, kaya habang naghihintay, napapaisip ako. Hindi ko pa kasi kumpirmado yung napag-suspetsyahan ko kinagabihan na dahilan din kung bakit ang bigat bigat ng pakiramdam ko...


I went ahead without direction, a form of semi-self-mutilation. (Dragonfly)
Paano kaya kung hindi ko na lang sinubukan ulit? E di sana hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon. Pero sa kabilang banda, naisip ko e di sana hindi ko rin naranasan yung saya na may mahal ka at yung saya na alam mong may nagmamahal sa'yo. Kaya kahit hindi alam kung ano pwedeng mangyari (in the first place, sino nga ba may alam ng mangyayari?) lahat tayo sumusubok pa din. Semi-self-mutilation nga.


And I got the point that I should leave you alone. But we both know that I'm not that strong. (Miserable at Best)
Sa simula pa lang, inamin ko naman nang hindi ako malakas. Patunay na n'on ay nang hindi kita mapakilala sa pamilya ko; umiyak sa harapan nila, yun lang nagawa ko para sa taong mahal ko. Kaya patawad, kung hanggang ngayon mahina pa rin ako sa pagtanggap na wala ng katuparan na mapakilala pa kita sa kanila.

Hindi ako magpapa-hipokrito at sasabihing sobrang masaya ko para sa'yo. Oo gusto kitang sumaya, pero yung kasiyahan na yun, hinihiling kong ako ang dahilan. Alam ko na gusto mo din naman akong sumaya, at alam kong sasabihin mong ako lang naman may kapangyarihang paligayahin ang sarili ko. Pero pramis, pinipilit kong wag maramdam 'to, pero kahit anong pilit ko, ayaw mawala. Siguro nga kasi mahina ako, hindi ako kasing lakas mo.


And here it comes, the hardest part of all, unchain my heart that's holding on. (Art of Letting Go)
Iniwan ko ang cellphone ko nung nagsimba ako. Pag-uwi ko, 2 messages received.
1 "Ethel oo"
2 "Ethel kami na"
Hindi ko alam anong gagawin n'on. Parang halo-halong emosyon at thoughts. Sana hindi ko na lang inalam. Bakit ang bilis yata? Kaya pala ganun na sya the past weeks. Nakakatampo. Nakakaloka. Higit sa lahat... masakit.

Alam ko kasi kapag ganito na yung eksena, yun na yun e. Yung tipong erased na yung possibility ng 'one more chance'. Gusto kitang tanungin ng isang malaking BAKIIIT?! pero refer to the above statements, hindi ko na nagawa dahil mahina nga ako. Kaya ang nasabi ko na lang sa'yo, "Basta ba masaya ka sa kanya, ok na ko dun." (Sabi ko, OK na ko dun, hindi ko sinabing masaya na rin ako para sa'yo. ;P) Marunong naman kasi akong rumespeto at ayoko ring lumabas na isang bitter-at-naghahabol-na-ex, kahit pa sabi ni Paulo Coelho:
“But I’m going to fight for your love, there are some things in life that are worth fighting for to the end.” “You are worth it.”
- By the River Piedra, I Sat Down and Wept


Because there's no point in fighting, even for the WORTHIEST LOVE, if you're fighting for it ALONE.




No comments:

Post a Comment