Pages

Showing posts with label unrequited. Show all posts
Showing posts with label unrequited. Show all posts

September 20, 2009

Rekindled. Blown.

I know I've posted a "hiatus" sign on my blog. But I just really need to pour this all out. I hope this would be the last time I'll be talking about him.
***

Kahapon nagsimba ako mag-isa. Nauna na kasi nong umaga sila mama. Late kasi ako nagising, ayaw bumangon ng katawan ko. Maaga ako para sa 6-7 PM mass, kaya habang naghihintay, napapaisip ako. Hindi ko pa kasi kumpirmado yung napag-suspetsyahan ko kinagabihan na dahilan din kung bakit ang bigat bigat ng pakiramdam ko...


I went ahead without direction, a form of semi-self-mutilation. (Dragonfly)
Paano kaya kung hindi ko na lang sinubukan ulit? E di sana hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon. Pero sa kabilang banda, naisip ko e di sana hindi ko rin naranasan yung saya na may mahal ka at yung saya na alam mong may nagmamahal sa'yo. Kaya kahit hindi alam kung ano pwedeng mangyari (in the first place, sino nga ba may alam ng mangyayari?) lahat tayo sumusubok pa din. Semi-self-mutilation nga.


And I got the point that I should leave you alone. But we both know that I'm not that strong. (Miserable at Best)
Sa simula pa lang, inamin ko naman nang hindi ako malakas. Patunay na n'on ay nang hindi kita mapakilala sa pamilya ko; umiyak sa harapan nila, yun lang nagawa ko para sa taong mahal ko. Kaya patawad, kung hanggang ngayon mahina pa rin ako sa pagtanggap na wala ng katuparan na mapakilala pa kita sa kanila.

Hindi ako magpapa-hipokrito at sasabihing sobrang masaya ko para sa'yo. Oo gusto kitang sumaya, pero yung kasiyahan na yun, hinihiling kong ako ang dahilan. Alam ko na gusto mo din naman akong sumaya, at alam kong sasabihin mong ako lang naman may kapangyarihang paligayahin ang sarili ko. Pero pramis, pinipilit kong wag maramdam 'to, pero kahit anong pilit ko, ayaw mawala. Siguro nga kasi mahina ako, hindi ako kasing lakas mo.


And here it comes, the hardest part of all, unchain my heart that's holding on. (Art of Letting Go)
Iniwan ko ang cellphone ko nung nagsimba ako. Pag-uwi ko, 2 messages received.
1 "Ethel oo"
2 "Ethel kami na"
Hindi ko alam anong gagawin n'on. Parang halo-halong emosyon at thoughts. Sana hindi ko na lang inalam. Bakit ang bilis yata? Kaya pala ganun na sya the past weeks. Nakakatampo. Nakakaloka. Higit sa lahat... masakit.

Alam ko kasi kapag ganito na yung eksena, yun na yun e. Yung tipong erased na yung possibility ng 'one more chance'. Gusto kitang tanungin ng isang malaking BAKIIIT?! pero refer to the above statements, hindi ko na nagawa dahil mahina nga ako. Kaya ang nasabi ko na lang sa'yo, "Basta ba masaya ka sa kanya, ok na ko dun." (Sabi ko, OK na ko dun, hindi ko sinabing masaya na rin ako para sa'yo. ;P) Marunong naman kasi akong rumespeto at ayoko ring lumabas na isang bitter-at-naghahabol-na-ex, kahit pa sabi ni Paulo Coelho:
“But I’m going to fight for your love, there are some things in life that are worth fighting for to the end.” “You are worth it.”
- By the River Piedra, I Sat Down and Wept


Because there's no point in fighting, even for the WORTHIEST LOVE, if you're fighting for it ALONE.




October 14, 2008

Lost

Posted: January 15, 2007

i know i had been full of shortcomings
about the thing between us..

i know i took you for granted
most of the time..

i know i haven’t showed you enough
to mean what i’m saying..

i know i was just good with words..

i have proved nothing..

i love you but i didn’t
see all your worth until your gone..

now i’m suffering the whack
of this boomerang..

‘coz it’s striking me twice..

the simple scratch is now bleeding..

the simple disease is now close to dying..

but inspite all d pain, i tried to hold on..

now i’m not sure if i’ll still tighten my grip
or just loosen it up and let go..

i want to grasp..
but you’re giving me reasons to give in..

My Emo Days

HAHA. Found my old posts in my Fster Blog. How I wish I still write the same way as then.

Pigilan

walang magawa..

tinatawag na naman para mag-isip..

muli raw alalahanin mgapangyayari..

na pilit ng pininid sa kahon..

upang sugat na dulot ay unti-unti ng maghilom..

ngunit dahil walang magawa..

muling sinagot ang tawag..

kandado’y nabuksan at sugat muling nagdugo..

hindi mabura, hindi mawaglit,

hindi maalis, hindi mabalewala..

hindi matularan ang nagagawa mo..!

sana’y turuan mo ko..

makalimot ng ganoong kadali..

piga na ang sarili sa pagsusumiksik,

sa mundo ng kaligayahan..

ngunit tila ayaw ako papasukin,

2wing nkikita nila, aking dibdib na puno ng iyong mukha..

hindi mapigilan sagutin ang tawag ng iyong alaala..

ano mang pilit, ilan pang subok..