February 22, 2010

Insensitive


i know what is wrong with me, and yet i still do it.. many people say i am insensitive.. some say i'm a rock who cant feel.. nothing positive you can get from me.. argh!
-- from his FB account

Dear Ex-Term,

(Just allow me to use 'term' for this. :) Wala namang ibang term 'di ba? Wala sanang magalit.)

Matagal ko na nabasa yung part ng profile mo na yan, pero ngayon lang ako magco-comment. Kung tama ako, ako yata unang naglakas loob sabihin sa'yo na may pagka-manhid ka. Siguro sa isa sa madaming beses na nagka-tampuhan tayo ni-reason out ko na ang insensitive mo kasi kaya ka nakakatampo. Lumipas ang panahon, kahit papa'no nakita ko namang nag-improve ka. Hanggang sa magka-hiwalay na tayo, at ayun, hindi ko na alam anong nangyari sa parte ng katauhan mo na manhid.

Pero nang nabasa ko 'to, nalaman ko, dala dala mo pa din ang parehong problema na meron ka dati. Ang kaibahan lang, ngayon alam mo na na manhid ka, at hindi mo alam kung bakit kahit alam mong manhid ka, hindi mo ito magawang maitama.

Sa pananaw ko, hindi na talaga yun mababago. Pwedeng mabawasan pero hindi na mawawala. Ngayon napa-isip ako kung sa tingin ko nag-improve ka nga talaga o dahil nasanay na ako kaya pakiramdam ko nag-improve ka? Iniisip ko na siguro natutunan ko na lang tanggapin sa sarili ko na sadyang gano'n ang taong mahal ko (minahal sa tense ngayon), at dahil mahal mo, handa kang tanggapin kung ano siya at kung ano ang hindi siya.

Hindi ko kilala yung bago mong girlfriend ngayon, pero kilala ko sya sa pangalan at mukha (nakita ko sa picture mo.) Wala ako sa posisyon na sabihin sa kanyang gawin na lang din kung ano ang ginawa ko. Bahala na lang siya, bahala na lang kayo. Basta ayusin ninyo kung anong meron kayo. Ang gulo mo kasi, minsan sobrang inlab ka sa mga status mo, minsan nanlulumo naman sa kalungkutan.

"nothing positive you can get from me" -> At anong drama 'to?
With all honesty, there are lots of admirable things in you. You can turn the silent crowd to a laughing one. You can befriend people you just have met for a minute or so. You're smart. You're spontaneous. You're a good son and brother. You're a sweet boyfriend (I should know). You're God-fearing. You have the weirdest uneven smile! Haha. And the list can go on, so don't let others tell you otherwise. You're enough just by being you.

P.S. Hindi naman siguro masamang maging stay-connected pa din with old friends kahit may bagong set of friends na di ba? 'Wag mo naman kami kalimutan, may B26 family ka pa din. Miss ka na ng mga yun.

Your Concerned Ex-Term,
Thel

No comments:

Post a Comment