Pages

March 7, 2010

I Never Thought We'd End Up Like This

Ang hirap sa medyo matagal na pinag-samahan, ang dami niyong nakilala ng sabay. Yung naging kaibigan niya, naging kaibigan ko din; ang mga kaibigan ko, naging kaibigan din niya. Sila yung mga taong tuwang tuwa para sa inyo, at sila din ang mga sobrang nanghihinayang dahil hiwalay na kayo.

Ang hirap sa kanila, hindi ka nila makita bilang ikaw lang. Tipong kapag nakita ka nila, hindi nila maiwasang isipin na katabi mo yung isa. Tipong walang Melai kung walang Jason at vice versa.

Ang hirap pa, ginagawa ka nilang 'customer service', hanapan ng mga taong nawawala. Biglang magtatanong kung nasan si Kwan. Lagi ko tuloy sila binibiro ng "Sino ba yun?". Hindi ko po siya kilala. Hindi na muna sa ngayon. Mas matindi pa, minsan akala mo binayaran ko sila para maging radar ko. Tipong magre-report sila sa'kin tungkol sa kanya kahit wala pa kong tinatanong. Alam kong mahal ninyo ako pero hindi kayo obligadong gawin 'yon.

Ang hirap na anumang pilit mong magsawalang bahala, at kahit anu pa mang gawin mo upang lumayo, gumagawa ang paligid ng paraan na paglapitin kayo. Ngunit matatapos na rin ito. Malapit na tayong mawalay sa paligid na yon. Sana sa pagkakataong 'yon, makabalik pa tayo sa kung saan tayo nagsimula - bilang magkaibigan.

No comments:

Post a Comment