March 30, 2010

Let's Turn It Upside Down

I'll post in Tagalog tonight. 'Cause I'm Filipino, like that. :) And this is just a very random thought. I just feel like writing and this thing popped out of my head.

* * *
Sino ba ang hindi nakakaalam sa pelikulang One More Chance ni Bea at John Lloyd? Ito lang naman kasi ang pambansang pelikula ng lahat ng nagmamahal, nagmahal, at pwede na din sa mga magmamahal pa lang. Panalo sa mga linya, kahit ilang beses ulitin, wala pa ring sawa ang mga Pinoy. Eh ang 500 Days of (Summer), sinong may alam? Isa din ito sa mga sumikat na pelikula sa panahon natin. Indie film, ibig sabihin 'low budget' pa, pero ang daming tumangkilik. Pero ano bang meron sa mga pelikulang 'to bakit minahal sila ng mga tao?

Meron nang nakapagsabi ng dahilan kung bakit gustong gusto natin ang mga 'to, at sumasang-ayon ako dito kaya nais ko lang ulitin muli. Bukod sa merong isa o ilang tauhan sa pelikula kung saan nakikita mo ang sarili mo, may bagay na kakaiba sa mga pelikulang ito na lalong nagbibigay ng dahilan para magustuhan sila. Kakaiba dahil sa lahat mga nagdaan ng 'romantic/love movies', bibihira na ipakita ang pagiging 'broken-hearted' ng mga lalaki. Babae kasi ang karaniwang nakakaranas ng ganito. At para sa bibihirang pagkakataon, sa mga pelikulang ito, nakita natin pa'no umikot ang mundo, kung pa'no lumuha at maging miserable ang mga lalaki sa pagkawala ng minamahal nila.

Magkaiba ang takbo ng kwento ng dalawang pelikulang 'to. Pero yun ang bagay na pareho sa kanila - si Popoy na iniwan ni Basha at si Tom na pinaasa ni Summer.

* * *

I really tried hard to post an all-tagalog entry but I failed in some words. Haha. BTW, I'm 2 days behind my Proj 365. I think this is hormonal imba hitting me (I think I'm having my period) that's why I'm superrr lazy lately.

No comments:

Post a Comment