Pages

November 12, 2012

Entry #1

Kawawa naman sila. Malas lang nila, sila yung napili ni tadhana na paglaruan. Wala naman sa kanila ang may kasalanan. Pareho rin naman silang may nakuhang maganda mula sa pagiging magkapareha nila. Kaya ayoko sanang may kampihan. Basta alam ko naaawa ako sa kanila.

Hindi ko naman alam ano talaga ang nararamdaman nila para sa isa't isa. Ang sarap lumikha ng eksena sa utak ko. Pero mas pipiliin ko pa rin ang mabuhay; yung buhay na gising ka kahit mahirap at masakit, kesa yung perpekto at masaya pero panaginip naman. 

Sana maayos nyo pa. Nanghihinayang rin naman siguro kayo sa naumpisahan nyo na. Marami-raming pagod din ang pinuhunan nyo para marating ang kung nasan man kayo ngayon. Alam kong matalino kayo para malaman ang nararapat gawin. Pero minsan nadadaig ng damdamin ang utak. Na kahit ganu kayo katalino adala kayo sa mga nararamdaman nyo ngayon at makapagdesisyon base lang dito.

Magkaiba lang siguro kayo ng paraan ng magpapakita ng pagpapahalaga sa isa't isa. Ngunit hindi ibig sabihin nun ay mas nagpahalaga ang isa kaysa sa isa. Sa isang relasyon, mapa-magkasintahan or mag-kaibigan, dapat walang mas, walang bilangan, walang sumbatan. Pantay lang. 

No comments:

Post a Comment