October 14, 2008

Reminisce

A poem again i made way back a year ago [April 16, 2007 to be exact]. During my own days of emptiness.

Wala Na

san man muling liparin ng gunita..

isang bagay ang nakataga na..

wala na ang damdamin..

damdaming ilang ulit naghintay at nasaktan..

nang una’y inakala, ito’y di magbabago..

ngunit kaya pala ng sobrang sakit na ito’y unti-unting maglaho..

inakalang makakaya lahat,

subalit natutunang pagpapalaya’y higit ang buhat..

anumang nararamdamang pag-asa noon,

dulot na lamang ng mga nakasanayang araw..

inakalang buhay pang damdamin,

dala na lamang ng alaalang ayaw limutin..

ngayo’y naliwanagan na, damdamin sa isa’t-isa’y

pareho pa rin - parehong wala na..

ang masakit na katotohanan lang..

pag-ibig niya’y naglaho sabay sa panahong ito’y pinaglalaban ko pa..

No comments:

Post a Comment